3 patay sa road mishap

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi makaraang masalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima ng Isuzu Elf dropside sa kahabaan ng Barangay Lalaan Dos, Silang, Cavite kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa DLSU Medical Center sina Benigno Reyes, 28, Wilson Malaban, 25 at Leandro Cortez, 32 na pawang residente ng Barangay Biluso ng bayang ito.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ni SPO2 Eduardo Eusebio, naitala ang aksidente dakong alas-8 ng gabi habang nagmomotorsiklo si Reyes na kaangkas ang dalawa.

Iniwan at kaagad na tumakas ang drayber ng dropside (UKN-511) na si Benjamin Morales ng Barangay Biga matapos na masalpok ang motorsiklo ng mga biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments