Positibong kinilala ni Josie Changcoco noong Miyerkules ang kanyang asawang dinukot na si Jesus Changcoco makaraang madiskubre ng pulis-Taguig ang bangkay sa naturang lugar dahil na rin sa nakuhang resibo ng gas station sa Lipa City.
Base sa pagsisiyasat ng pulisya, may palatandaang pinahirapan muna ang biktima bago pinatay.
Sa salaysay ni Josie sa pulisya, ang kanyang asawa ay umalis sa car-aircon service shop sa Ayala Highway noong Lunes ng gabi dakong alas-8:30 pero hindi na nakauwi ng bahay sa Barangay Sabang.
Bandang alas-11 ng umaga noong Martes ng tumawag ang mga kidnaper sa asawa ng biktima at humihingi ng P1-milyon pero bandang alas-12:30 ng tanghali ay tumawag naman ang utak sa pagdukot at nagsabing may atraso si Jesus sa kanila.
Sinabi pa ng mastermind na umorder ng 14 na imported na sasakyan na P2-milyon ang biktima na hindi nabayaran at nagbigay ng taning na hanggang alas-singko lamang para mabayaran ang atraso pero kung hindi maibibigay ang hinihingi ay tatablahin na lang.
Simula noon ay hindi na muling tumawag ang mga kidnaper hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima sa naturang lugar. (Ulat ni Arnell Ozaeta)