^

Probinsiya

Dinukot na trader natagpuang patay sa Taguig

-
LIPA CITY, Batangas – Umugma ang nadiskubreng bangkay sa Fort Bonifacio, Global City, Taguig noong Miyerkules sa dinukot na mayamang trader noong Lunes ng gabi sa kahabaan ng national highway nasakop ng Balintawak, Lipa City, Batangas.

Positibong kinilala ni Josie Changcoco noong Miyerkules ang kanyang asawang dinukot na si Jesus Changcoco makaraang madiskubre ng pulis-Taguig ang bangkay sa naturang lugar dahil na rin sa nakuhang resibo ng gas station sa Lipa City.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, may palatandaang pinahirapan muna ang biktima bago pinatay.

Sa salaysay ni Josie sa pulisya, ang kanyang asawa ay umalis sa car-aircon service shop sa Ayala Highway noong Lunes ng gabi dakong alas-8:30 pero hindi na nakauwi ng bahay sa Barangay Sabang.

Bandang alas-11 ng umaga noong Martes ng tumawag ang mga kidnaper sa asawa ng biktima at humihingi ng P1-milyon pero bandang alas-12:30 ng tanghali ay tumawag naman ang utak sa pagdukot at nagsabing may atraso si Jesus sa kanila.

Sinabi pa ng mastermind na umorder ng 14 na imported na sasakyan na P2-milyon ang biktima na hindi nabayaran at nagbigay ng taning na hanggang alas-singko lamang para mabayaran ang atraso pero kung hindi maibibigay ang hinihingi ay tatablahin na lang.

Simula noon ay hindi na muling tumawag ang mga kidnaper hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima sa naturang lugar. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYALA HIGHWAY

BARANGAY SABANG

BATANGAS

FORT BONIFACIO

GLOBAL CITY

JESUS CHANGCOCO

JOSIE CHANGCOCO

LIPA CITY

MIYERKULES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with