Traffic enforcer nakaladkad ng trak
January 15, 2003 | 12:00am
IMUS, Cavite May posibilidad na putulin ang paa ng isang 26-anyos na traffic enforcer makaraang kaladkarin ng trak habang ang biktima ay nag-aayos ng trapik sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa harap ng malaking department store na sakop ng Barangay Tanzang Luma Uno sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na malubhang nasugatan at ngayon ay inoobserbahan sa Our Lady of Pillar Hospital ay nakilalang si Noel Reva, ng Paredes Street sa bayang ito, samantala, ang drayber ng trak (TMG-607) na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Eliazar Amangca ng Araneta Avenue, Quezon City.
Naitala ang aksidente bandang alas-6 ng gabi makaraang sumabit ang damit ng biktima sa likurang bahagi ng trak kaya nakaladkad ng may ilang metro. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest