8 bata patay sa tigdas

COTABATO CITY – Umaabot na sa walong bata ang iniulat na nasawi, samantala, may 15 pang iba ang kasalukuyang ginagamot makaraang manalasa ang tigdas sa liblib na baybaying-dagat na sakop ng Barangay Kalanganan sa lungsod na ito, ayon sa ulat ng mga awtoridad kahapon.

Sinabi ni Dr. Abdullah Dumama Jr, hepe ng City Health Office, karamihan sa nasawing biktima ay pre-schooler.

Nagpakalat na si Dumama ng mga health worker sa naturang barangay upang mapigilan ang pagkalat ng tigdas.

Ayon pa kay Dumama na karamihan sa mga nasawing biktima ay dinala sa health center ng kanilang magulang na nagdidilubyo dahil sa tigdas. (Ulat ni John Unson)

Show comments