^

Probinsiya

Trike na-sandwich ng bus at van, 2 todas

-
SILANG, Cavite — Dalawang katao ang kumpirmadong namatay habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang maipit ng pampasaherong bus at van ang isang tricycle sa kahabaan ng Gen. Aguinaldo Hi-way, Brgy. Lalaan 1 ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ang dalawang biktimang agad na namatay makaraang maipit sa loob ng kanilang sinasakyang tricycle ay sina Samuel Turang at Eric Balien, kapwa residente ng Brgy. Bulihan ng nasabing bayan.

Samantala, ang dalawa pang biktima na kasalukuyang ginagamot sa Estrella Hospital ay nakilalang sina Richard Solon at Teodoro Egos Jr.

Samantala ang suspek na may-ari at driver ng Nissan van ay nakilalang si John Victorino Anda, residente ng Palicpic st., Balayan, Batangas.

Sa ibinigay na report ng pulisya, ganap na alas-2 ng hapon ay bumabagtas ang pampasaherong bus na Celyrosa (DWA-237) na minamaneho ni Darvin Morales patungong south kasunod ang tricycle (DU-9161) ng mga biktima na minamaneho ni Turang.

Pagkahinto ng bus ay tumigil din ang tricycle at hindi umano napansin ng van (plate no. WSW-588) na minamaneho ni Anda na red light kaya tuluyan itong sumalpok sa tricycle na naging dahilan upang ito ay maipit ng bus at van na agad ikinamatay nina Turang at Balien. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AGUINALDO HI

BRGY

CRISTINA GO-TIMBANG

DARVIN MORALES

ERIC BALIEN

ESTRELLA HOSPITAL

JOHN VICTORINO ANDA

RICHARD SOLON

SAMANTALA

SAMUEL TURANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with