Fred Galang, Vic Vargas inaresto sa SBMA

Central Luzon-National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang dating action star na umano’y gumagamit sa pangalan ni Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo sa umano’y kanilang illegal na gawain sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ang dalawang action star na naaresto ay sina Fred Galang at Vic Vargas matapos silang ireklamo ng kanilang mga nabiktimang sina Pyra Lucas at Yolly Carreon ng 20-89 Carolina st., Villa Sol Subd. Angeles City.

Batay sa salaysay ni CL NBI director Sammuel Fiji, ang pagkakahuli kina Galang at Vargas ay naganap sa loob ng Chowking Restaurant sa loob ng SBMA dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon.

Sa salaysay ni Lucas at Carreon sa NBI humingi umano si Galang ng halagang P350,000 para umano mailabas ang limang imported na mga sasakyan sa loob ng SBMA.

Matapos magbigay nina Lucas at Carreon ng pera ay nagpadagdag pa umano si Galang ng P170,000 kaya’t nagpasyang magsumbong na sila sa NBI.

Ipinapangalandakan umano ni Galang kina Lucas at Carreon na hawak sila ng customs at ni Vice Governor Arroyo.

Sa isinagawang ng entrapment operation ng NBI ay nahuli sa akto sina Galang at Vargas na tinatanggap ang marked money. (Ulat ni Pesie Miñoza)

Show comments