Baril na ginamit kay Viña galing sa pulis
January 11, 2003 | 12:00am
Pulis umano ang may-ari ng baril na ginamit sa pagpaslang kay dating PAOCTF officer Col. Teofilo Viña na pinahiram lamang sa naarestong gunman na si Medar Cruz.
Sinabi ni Firearms and Explosive Division chief, Sr. Supt. Gerry Barrias na nadiskubre nilang 15-bullet clip ang magazine na ginamit ni Cruz na 9mm. caliber pistol na iniisyu lamang umano sa mga miyembro ng PNP at ipinagbabawal sa publiko.
Hindi rin naman posible umano na nakuha ni Cruz ang naturang baril sa Estados Unidos kung saan ito nagtrabaho.
Natuklasan rin na iligal ang naturang baril dahil sa walang kaukulang papeles na maaari umano na dito sa bansa na nakuha ni Cruz ang baril.
Malaki ang posibilidad na pulis rin umano ang nagbigay kay Cruz ng naturang baril na malaki ang hinala na isa-isa nang itinutumba ang lahat ng may kaugnayan sa Dacer-Corbito double murder case upang hindi na makapagbigay ng kanilang mga testimonya sa oras na bumaligtad ang mga ito.
Magugunitang si Cruz ang itinuturo ng mga saksi na bumaril nang ilang beses kay Viña, isa sa mga isinasangkot sa Dacer-Corbito murder case nitong nakalipas na Martes ng gabi sa Tanza, Cavite. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest