^

Probinsiya

Mag-ama ginilitan ng tiyuhin

-
SAN PASCUAL, Masbate – Isang 12-anyos na batang babae ang iniulat na nasawi, samantala, ang kapatid nito at ama ay malubhang nasugatan makaraang gilitan ng kanilang tiyuhin na may kapansanan sa pag-iisip habang ang mag-aama ay natutulog sa kanilang bahay sa Sitio Tinago, Barangay Bolod sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi umabot ng buhay sa San Pascual District Hospital si Angelica Atienza, samantala, sina Atilano Atienza, 30, magsasaka at anak na si Julie Ann, limang taong gulang ay malubhang nasugatan.

Sugatan naman ang suspek na si Diomedes Atienza, 40, binata ng nabanggit ding barangay dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan mula sa mga nagrespondeng pulis.

Ang pangyayari ay naitala dakong alas10:40 ng gabi habang ang pamilya Atienza ay natutulog.

Biglang pumasok ng bahay ang suspek na may hawak na patalim at inunang gilitan ang nasawing biktima saka isinunod ang mag-ama subalit nakatakbo namang papalabas ang ina kaya naman naipagbigay-alam kaagad ang pangyayari sa ilang kapitbahay na tumawag ng pulis.

Imbes na sumuko ang suspek ay sinugod pa ang mga awtoridad kaya naman napilitang pagbabarilin. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ANGELICA ATIENZA

ATIENZA

ATILANO ATIENZA

BARANGAY BOLOD

BIGLANG

DIOMEDES ATIENZA

ED CASULLA

JULIE ANN

SAN PASCUAL DISTRICT HOSPITAL

SITIO TINAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with