Head breaker sumabog; 1 todas, 2 grabe
January 6, 2003 | 12:00am
TAGAYTAY CITY, Cavite Sa hindi inaasahang pagkakataon ay binawian ng buhay ang isang obrero, samantala, dalawa pang kasamahan nito ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang head breaker na ginagamit sa pagbubutas ng konkretong kalsada sa Barangay Kaybagal South sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Duguang bumulagta ang biktimang si Sonny Boy Bicona, 21, binata, samantala, ang grabeng nasugatan ay nakilalang sina Alejandro Anura, 25 at Ramon Reyes, 31 na pawang stay-in construction workers ng Taal Vista sa lungsod na ito.
Napag-alaman sa pagsisiyasat ni SPO4 Samuel Baybay, naganap ang aksidente bandang alas-4:30 ng hapon habang nagsasalin ng gasolina ang tatlo sa hawak nilang head breaker.
May palagay ang pulisya na sumabog ang head breaker dahil na rin sa masyadong mainit nang salinan ng gasolina na ikinasawi ni Bicona. (Ulat ni Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest