^

Probinsiya

Barangay chairman todas sa ambus

-
CAMP CRAME – Pinaniniwalaang matinding alitan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng kanyang kaaway, samantala, tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang harangin ang mga biktimang naglalakad sa Upper San Raymundo, Jolo, Sulu noong Biyernes ng umaga, Enero 3, 2003.

Kinilala ang napatay na si Murphy Usman, 40, barangay chairman ng Tabuk Manok, Panamao, Sulu, samantala, ginagamot naman sa Sulu General Hospital ang mga sugatang biktima na sina Alnajir Tan, 6; Barlie Barawi, 34 at Saji Sulaiman.

Nabatid sa ulat ng pulisya na ipinarating kahapon sa Camp Crame, dumalaw ang nasawing biktima sa kanyang kamag-anak kasama ang tatlo nang harangin ng nag-iisang killer dakong alas-10:40 ng umaga saka isinagawa ang pananambang. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALNAJIR TAN

BARLIE BARAWI

BIYERNES

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

MURPHY USMAN

SAJI SULAIMAN

SULU GENERAL HOSPITAL

TABUK MANOK

UPPER SAN RAYMUNDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with