Halos humiwalay ang ulo sa leeg at nagmistulang karne ang katawan dahil sa dami ng tinamong taga ang biktimang si Reynante Pernia, 27, may-asawa at residente ng naturang barangay habang tumakas naman ang suspek na si Edgar Jovido.
Batay sa ulat, dakong alas-4 ng hapon habang nag-iinuman ang biktima at ang kapatid ng suspek na nakilalang si Binong Jovido at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang umanong nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na humantong sa suntukan.
Dahil sa kilalang siga sa kanilang lugar ang biktima ay tinalo nito si Binong sa sukatan ng kamao at di pa ito nakuntento ay kinuha nito ang isang gulok sa tabi ng kanilang pinag-iinumang mesa at inundayan ng taga sa ulo ang huli.
Nang makita ng suspek ang ginawa ng biktima sa kanyang kapatid ay kumuha rin ng gulok at walang habas na pinagtataga sa ibat ibang bahagi ng katawan ang maton na biktima hanggang sa ito ay mamatay.
Kasalukuyang ginagamot sa Bondo Peninsula District Hospital si Binong dahil sa malaking sugat sa ulo. (Ulat ni Tony Sandoval)