Nursing student nag-suicide

DAET, Camarines Norte Pinaniniwalaang matinding galit sa nakatatandang kapatid na babae ang naging dahilan upang magdesisyong magbigti ng isang nursing student sa kanilang bahay sa Remedios Street, Barangay Dos Pasig sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Leon Hernandez Memorial Hospital si Nicole Jessica Luis Recoco, 18, 2nd year college na nagsasanay sa Chinese General Hospital, Manila bilang nursing.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bago pa mag-suicide ang biktima ay nagtalo ang biktima at kapatid nitong si Analiza, 23, tungkol sa pagbabantay sa kanilang lola na nasa ospital.

May palagay ang pulisya na matinding pagkagalit ng biktima sa sinabi ng kanyang utol kaya dakong alas-7:30 ng gabi ay nagpakalawit na siya kay kamatayan at natagpuan din ang basak na picture frame ni Analiza sa sala ng kanilang bahay. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments