Supermarket nasunog dahil sa paputok
January 2, 2003 | 12:00am
GENERAL MARIANO ALVAREZ, Cavite Naging masaklap ang pagsalubong ng bagong taon sa isang negosyanteng Tsinoy makaraang masabugan ng baby rocket at masunog ang P7-milyong ari-arian ng supermarket sa Barangay San Gabriel sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Sa inisyal na ulat ni SPO4 Reynaldo Antazo Sr., naitala ang sunog bandang alas-11:05 ng gabi matapos na pumasok sa maliit na butas ng bintana ng supermarket sa ikalawang palapag ang paputok na baby rocket.
Bandang alas-11:05 ng gabi ng magsimulang kumalat ang apoy sa Square Mart Merchandize na pag-aari ni Manuel Sy, 67 ng Taft Avenue, Pasay City.
Wala naman nagawa ang mga residenteng nakasaksi sa sunog na matatagpuan sa Block 2 Lot 37 ng nabanggit na barangay kundi ang tumawag ng mga pamatay-sunog hanggang sa maabo ang gusali na may dalawang palapag.
Wala naman iniulat na nasugatan o nasawi sa naganap na sunog dahil na rin sa mabilis na responde ng mga miyembro ng pamatay-sunog at pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest