Dead-on-the-spot ang mag-amang sina Eduardo Canencia, 40, at anak nitong si Marlon.
Batay sa ulat, ang krimen ay naganap dakong alas-12:30 ng tanghali sa mismong bahay ng mag-ama sa Purok 1, Brgy. Labinay ng nasabing lungsod.
Agad namang natukoy ang mga suspek na sina Carlito Manus, alyas Ka Dodong at Gerry Lagaret na positibong kinilala ng ilang nakasaksi sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos)