^

Probinsiya

3 sundalo patay sa NPA at Abu

-
CAMP AGUINALDO — Tatlong kawal ng militar ang iniulat na nasawi sa naganap na sagupaan laban sa mga teroristang Abu Sayyaf at ginawang pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Sulu at Northern Samar kamakalawa.

Nakilala ang mga nasawi na sina Corporal Christopher Oguan ng 535th Infantry Battalion ng Philippine Army; dalawang Private First Class na sina Reginaldo Saldina at Roberto Menil na kapwa nakatalaga sa 63rd Infantry Battalion.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang sagupaan bandang alas-10 ng gabi makaraang salakayin ng grupo ng Abu Sayyaf ang patrol base ng Alpha Company ng 35th Infantry Battalion sa Mt. Tukay, Indanan, Sulu.

Umabot sa 20 minuto ang palitan ng putok saka umatras ang mga Abu Sayyaf matapos na malagasan at masugatan ang ibang kasamahang terorista at nakatunog na may paparating na nagrespondeng tropa ng militar.

Nasugatan sa sagupaan si Private First Class Barlie Lakibol, samantala, bineberipika pa ang pangalan ng napatay na Sayyaf.

Kasunod nito, bandang alas-10:30 ng gabi nang tambangan naman ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang limang kawal ng Alpha Company ng 63rd Infantry Battalion habang nakasakay sa dyip at bumabagtas sa kahabaan ng Sitio Hibabawagan, Barangay Washington, Catarman, Samar.

Kaagad na nasawi sina Saldina at Menil habang nakipagpalitan naman ng putok ang tatlong sundalo hanggang sa magawa nilang makatakas sakay ng kanilang dyip. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABU SAYYAF

ALPHA COMPANY

BARANGAY WASHINGTON

CAMP AGUINALDO

CORPORAL CHRISTOPHER OGUAN

DANILO GARCIA

INFANTRY BATTALION

MT. TUKAY

NEW PEOPLE

NORTHERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with