Nagpakilala ang mga sumukong suspek na sina Generoso Rafael, alyas Ka Tiloy, commanding officer ng Revolutionary Proletarian Army-ABB-South Area; Rodel Tawatao Jr., alyas Ka Jojo, 19; Ramon Molvizar, Ka Paul, 27; Joenard Napaton, Ka Gary, 24; at Joemaclin Factorin, Ka Macky, 33, pawang residente ng Brgy. Luyang, Sibalom ng naturang lalawigan.
Sa ulat ng Belison police station, nabatid na nagtungo ang mga rebelde sa bahay ni Brgy. Kagawad Joseph Panganiban, ng Brgy. Sinaja, Belison, Antique, dakong alas-9:30 ng umaga.
Nagpakilala ang lima na mga rebelde at nagpahayag ng interes na sumuko sa pamahalaan. Agad namang ipinaalam ni Panganiban kay Belison Mayor Christopher Piccio ang pangyayari.
Isinuko ng mga rebelde sa alkalde ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng kalibre 45, M1 US carbine, M16 armalite rifle, dalawang baril at ibat ibang uri ng bala. (Ulat ni Danilo Garcia)