Bahay ng vice mayor grinanada
December 28, 2002 | 12:00am
JAEN, Nueva Ecija Ginising sa kanilang masarap na pagkakatulog ang vice mayor ng bayang ito kasama ang kanyang pamilya matapos na sumabog ang isang granada sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. San Jose, kamakalawa ng hatinggabi.
Nabatid kay P/Sr. Supt. Luisito Palmera, Nueva Ecija Police director, hinagisan ng granada ng hindi kilalang suspek ang harap ng bahay ni Jaen Vice Mayor Danilo De Guzman.
Ayon kay Palmera, ligtas ang bise alkalde at iniulat na wala namang nasawi o nasugatan na kapamilya ni De Guzman at tanging tinamaan lamang ng mga shrapnel ay ang dalawang sasakyan nitong Pajero at isang Toyota Tamaraw.
Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-2 ng madaling-araw, habang nasa kasarapan ng pagtulog ang buong pamilya De Guzman, isang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng tricycle ang naghagis ng granada.
Wala pang ibinibigay na pangalan ang pulisya kung sino ang suspek at kung ano ang motibo sa naturang insidente, ngunit ilang political observers ang nagsasabi na maaring may kinalaman sa pulitika ang naturang pangyayari. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest