^

Probinsiya

Pulis tinaniman ng 11 bala sa harap ng ina

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna –Isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang pinatay ng tatlong lalaki na nagpanggap na mga pulis sa harap ng kanyang ina sa kanilang bahay kamakalawa sa Sitio Ibaba, Brgy. Dayap, Calauan, Laguna.

Patay na nang idating sa Bay Community Hospital ang biktima na si PO3 Fernando Teodoro Murphy, 45, may-asawa, nakatalaga sa Pila Municipal Police Station sanhi ng tinamong labing-isang tama ng bala sa katawan at ulo.

Ayon sa report, dakong alas-12 ng tanghali ay nagtungo ang mga suspek sa bahay ng biktima at dito ay kanilang nakausap ang ina nitong si Gng. Victoria Teodoro Murphy at nagpakilalang sila ay kasamahan ng kanyang anak.

Pinapasok ni Gng. Murphy ang mga suspek sa loob ng bahay at pagkatapos ay ginising nito ang anak na mahimbing na natutulog.

Naalimpungatan ang biktima at lumabas ng silid at ganoon na lamang ang pagkabigla nito nang siya ay paulanan ng bala ng mga suspek.

Hindi naman ginalaw ng mga suspek ang ina ng biktima at mabilis na tumakas lulan ng isang owner type jeep na walang plaka na ipinarada sa isang kanto. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

AYON

BAY COMMUNITY HOSPITAL

BRGY

ED AMOROSO

FERNANDO TEODORO MURPHY

GNG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILA MUNICIPAL POLICE STATION

SITIO IBABA

VICTORIA TEODORO MURPHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with