^

Probinsiya

Sekretaryo ng munisipyo sinaksak sa Christmas party, kritikal

-
SAN NARCISO, Quezon – Nasa kritikal na kundisyon ang isang municipal secretary makaraan itong saksakin ng hindi nakilalang suspek habang nakikipag-agawan ng baril sa municipal vice mayor ng sawatain ang una sa pagpapaputok ng baril habang ginaganap ang Christmas party sa Calwit Resort Barangay Calwit, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay si Timoteo Desto, municipal secretary ng Buenavista, Quezon na nagtamo ng dalawang saksak sa dibdib.

Ayon sa report, ang Sangguniang Bayan ng Buenavista ay nagsagawa ng kanilang Christmas party sa nasabing lugar at nasa impluwensya ng alak ang biktima at walang habas na nagpaputok paitaas gamit ang 9mm.

Inaawat ito ni vice mayor William Uy ng Buenavista, Quezon subalit sa halip na pakinggan nito ang una ay itinutok pa nito ang baril sa vice mayor.

Nagkaroon ng pag-aagawan ng baril sa pagitan ng dalawa at nagsimula na ring magrambulan sa nasabing lugar.

Nang humupa ang kaguluhan ay nakitang nakabulagta si Desto at may dalawang saksak na mabilis na isinugod sa pagamutan.

Walang maglakas loob na tukuyin kung sino sa mga nanduroon ang sumaksak sa biktima at ilang araw ding pinalipas bago iniulat ang insidente sa pulisya. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AYON

BUENAVISTA

CALWIT RESORT BARANGAY CALWIT

INAAWAT

NAGKAROON

QUEZON

SANGGUNIANG BAYAN

TIMOTEO DESTO

TONY SANDOVAL

WILLIAM UY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with