Doktor dedo sa bus

CABANGAN, Zambales – Hindi sukat akalain ng isang doktor na ang pag-iwas niya sa karitela ay magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa isang bus sa national highway ng Barangay Mabanglit ng bayang ito noong nakalipas na Martes ng gabi.

Sa naantalang ulat kahapon mula sa Cabangan PNP, nakilala ang biktimang si Dr. Jerry Soriano, 35, may-asawa, tubong Isabela at kasalukuyang residente ng naturang lugar.

Kaagad namang dinakip ng mga awtoridad ang driver ng Victory Liner (CWR-650) na si Victorino Padua, 32, ng Tambacan Burgos Pangasinan.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa nasabing lugar makaraang iwasan ng biktima sakay ng Honda (3076) motorcycle ang karitela ng kalabaw subalit sumalpok siya sa paparating na bus. (Ulat ni Erickson Lovino)

Show comments