Ang mag-asawang biktima na namatay noon din sanhi ng mga saksak at gilit ang mga leeg ay nakilalang sina Jesus, 77 at si Pedelina Alas, 78, residente ng Blk. 16, Lot 6, Brgy. Poblacion 1.
Agad namang naaresto ang dalawang suspek na sina Rolando Perez, 26, residente ng Commonwealth Ave., Quezon City at Rolly Quitana, 23, ng Manugayan Barugo, Leyte.
Sa imbestigasyon ni PO3 Eduardo Molas, ganap na alas-11 ng gabi ay kasalukuyang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-asawa nang dumating ang mga suspek.
Napag-alaman na kinausap ng mga suspek ang mag-asawa at hiningan ng pera, subalit walang maibigay ang mga ito na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang mapikon ang mga suspek at isinagawa ang krimen.
Inaalam pa sa kasalukuyan ng pulisya kung totoong mga apo ang dalawang suspek dahil sa wala naman umanong kasama ang mag-asawa sa nasabing bahay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)