^

Probinsiya

Mag-utol kritikal sa mag-ama

-
TANZA, CAVITE–Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang magkapatid na welder makaraang makipagtagaan ang mga ito sa mag-amang karpintero kamakalawa ng gabi sa Brgy. Calibuyo ng bayang ito.

Ang magkapatid na isinailalim sa matinding gamutan sa hindi binanggit na ospital ay kinilalang sina Benjamin, 37at Francis Verano, 24 kapwa binata at residente ng Brgy. Calibuyo.

Agad namang naaresto ang mag-amang suspek na sina Jesus, 58 at Wilson Pantinople,16 kapwa residente rin ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ni PO1 Richard Atienza, dakong alas-6:00 ng gabi nang harapin ng lasing na magkapatid Verano na armado ng tubo at patalim ang mag-amang Pantinople.

Hindi naman nagpatalo ang mag-amang Pantinople at kumuha ng jungle bolo at agad na sinugod ang magkapatid.

Dahil sa kalasingan ay nadaig ng mag-ama ang magkapatid kung saan nagtamo ang mga ito ng malalalim na sugat sa ibat-ibang parte ng katawan.

Agad namang naaresto ng mga rumespondeng pulis ang mag-ama kung saan sasampahan ito ng kasong frustrated homicide. (Ulat ni Cristina Go Timbang)

vuukle comment

BRGY

CALIBUYO

CRISTINA GO TIMBANG

DAHIL

FRANCIS VERANO

MAG

PANTINOPLE

RICHARD ATIENZA

ULAT

WILSON PANTINOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with