2 estudyante sabay nalunod sa ilog
December 21, 2002 | 12:00am
GEN. TRIAS, CAVITE Dalawang magkaibigang estudyante ang sabay na nalunod sa ilog, makaraang magturuang lumangoy sa Brgy. Pasong Camachile ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.
Ang bangkay ng dalawang biktima na at aksidenteng nadiskubre ng matapakan ng iba pang mga dumarayo ay nakilalang sina Leonardo Espela, 10, grade 2 at Angelito Labatica, 15, 3rd year high school, kapwa residente ng Maricris subdivision, Brgy. Pasong Camachile ng bayang ito.
Sa report ni SPO2 Juan Culanding, may hawak ng kaso, dakong alas-5 ng hapon ng madiskubre ng ibang mga kabataan na naliligo sa ilog ang bangkay ng dalawang biktima nang hindi sinasadyang matapakan ang mga ito sa ilalim ng ilog.
Napag-alaman pa na ganap na alas-11 ng umaga ng araw ding iyon ng magpasyang mag-aral lumangoy ang magkaibigan kung kaya nagtungo ang dalawa sa nasabing ilog.
May lalim na 11 talampakan ang nasabing ilog at malamang umanong hindi batid ng dalawa na mayroong under-water current sa ilalim ng ilog at lakas ng agos kung kaya kapwa ito nalunod.
Ayon pa sa ibang mga kaibigan ng mga biktima ay napagdisisyunan na nilang sisirin ang kalaliman ng ilog upang iahon ang wala ng buhay na mga katawan ng magkaibigan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest