Paslit nakuryente

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isang pitong taong gulang na batang babae ang kumpirmadong namatay makaraang mapadikit sa nakabiting talop na kable ng kuryente na may malakas na boltahe sa Barangay Lapidario sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang sunog ang katawan ay nakilalang si Envie Chan Jutic, grade one pupil ng naturang barangay.

Naitala ni PO3 Cornelio Bugayong ang pangyayari dakong alas-2:30 ng hapon habang naglalaro ang biktima at hindi napansin ang kable na may malakas na boltahe kaya nagresulta upang makuryente ang bata. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments