2 bombers nalambat

ZAMBOANGA CITY – Dalawang may kinalaman sa serye ng pambobomba sa lungsod na ito ang iniulat na inaresto ng pulis-Zamboanga makaraang salakayin ang kanilang pinagkukutaan sa Barangay Manicahan sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng suspek habang isinasailalim sa imbestigasyon, ayon kay P/Insp. Jess Belarga.

Naitala ang pagkakadakip sa dalawa dakong alas-5:30 ng umaga matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa presensiya ng mga bomber.

Ang dalawa ay kabilang sa pitong kalalakihan na dinakip dahil sa serye ng pambobomba na ikinasawi ng 12 katao kabilang na ang US Green Beret at sundalong Pinoy habang 24 naman ang nasugatan noong Oktubre 17 at 20, 2002. (Ulat ni Roel D. Pareño)

Show comments