Ang mga preso na may nakabinbing kasong pagpatay, pagnanakaw, rape at droga ay nakilalang sina Juan Distor, Emmanuel Guinaro, Angelito Edorda, Jun Valerio at Marlon Salmoren.
Ayon sa ulat ng pulisya, naitala ang jailbreak dakong alas-3 ng madaling-araw matapos na lagariin ng mga preso ang bakal sa kisame ng selda patungo sa bubungan ng naturang police station.
Nadiskubre lamang ang pagpuga ng limang preso matapos na magbilang ng mga nakakulong ang guwardiya. (Ulat ni Danilo Garcia)