Bukod sa labindalawang pasahero ng eroplanong Nomad propeller ay naisalba rin ang dalawang piloto na sina Capt. Myroade de Leon at 1Lt. Baby Vladimir Ilagan habang isa pa ang nawawala.
Ayon sa mga opisyal ng Phil. Air Force, ang nabanggit na eroplano ay pabalik na sana sa Edwin Andrews Air Force base mula sa medical evacuation mission sa Cagayan de Oro, Tawi-Tawi, Sibutu at Sangan-Sanga nang maganap ang pangyayari dakong ala-1:10 ng hapon.
Nabatid naman sa isang saksi na si Hara Ruwar, may lumabas na makapal na itim na usok sa buntot ng eroplano at nakarinig ng pagsabog bago bumagsak sa dagat.
Napag-alaman pa sa ulat na ang pagbagsak ng PAF plane kahapon ay ikalawa na sa loob lamang ng limang araw kabilang ang eroplano ng militar.
Noong Huwebes, Disyembre 12, 2002 ay bumagsak din ang Italian-made SF-260 trainer aircraft sa pabrika sa Sto. Tomas, Batangas na ikinasawi ng piloto at sibilyan, samantala, sampu naman ang nasugatan.(Ulat nina Danilo Garcia/Butch Quejada)