Pekeng NBI agent tiklo sa pangongotong
December 15, 2002 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Antipolo City Police ang isang nagpakilalang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) at umanoy bata ni NBI Chief Reynaldo Wycoco sa isinagawang operasyon sa lungsod kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang naarestong suspek na si Oliver Querimit, 25, residente ng Block 14, Lot 6, Maricman St., Lores Countryhomes, Antipolo City.
Ang suspek ay nadakip ng Mobile patrol ng Antipolo City Police sa pamumuno ni PO3 Edmundo Cabasbas bandang alas-7 ng gabi na nangongotong umano ng halagang P100 bawat isang kariton sa mga Muslim vendors na nagtitinda ng pirated VCDs.
Hindi na umano nakayanan ng mga tinderong Muslim ang palaging pangingikil sa kanila ng suspek kayat napilitan na silang magsuplong sa mga nagpapatrulyang awtoridad.
Nang sitahin ay wala umanong maipakitang ID ang suspek na nagpakilalang agent ng NBI at bata umano ni Wycoco.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang .45 pistola at P300 na bahagi ng nakotong nito sa nasabing mga illegal vendors.
Kasalukuyan na ngayong nakapiit sa detention cell ng Antipolo City Police ang suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest