Binawian ng buhay sa Cabanatuan City General Hospital si Luisito A. Valdez, may asawa, samantala, inaresto naman ng mga kasapi ng Bantay Bayan ang suspek na si Juanito P. Valdez, 47, matapos na maisagawa ang krimen dakong alas-onse ng gabi.
Sa ulat ni P/Supt. Laverne Managbao, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at asawa nito hanggang sa dumating ang suspek.
Pinagsabihan ng suspek ang kanyang anak na tumigil na ngunit hindi nakinig kaya sa pagkainis ay nagawang itakin ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)