Anak napatay ng ama
December 14, 2002 | 12:00am
CABANATUAN CITY Tinaga at napatay ang isang 27-anyos na lalaki ng kanyang sariling ama makaraang isnabin ng biktima ang pangaral sa kanya sa kanilang bahay sa Brgy. D.S. Garcia sa lungsod na ito noong Martes ng gabi, Disyembre 10, 2002.
Binawian ng buhay sa Cabanatuan City General Hospital si Luisito A. Valdez, may asawa, samantala, inaresto naman ng mga kasapi ng Bantay Bayan ang suspek na si Juanito P. Valdez, 47, matapos na maisagawa ang krimen dakong alas-onse ng gabi.
Sa ulat ni P/Supt. Laverne Managbao, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at asawa nito hanggang sa dumating ang suspek.
Pinagsabihan ng suspek ang kanyang anak na tumigil na ngunit hindi nakinig kaya sa pagkainis ay nagawang itakin ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended