Binata patay sa adik

DASMARIÑAS, Cavite – Napagtripang saksakin hanggang sa mapatay ang isang tinedyer ng adik na lalaki habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Paliparan Tres sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Mark Delos Santos, 17, high school student ng Phase 3 ng nabanggit na barangay.

Tinutugis naman ang suspek na si Noel Ramos, 18, binata ng naturang lugar.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Gerry Valenzuela, naitala ang krimen bandang alas-7:30 ng gabi makaraang abangan ng suspek ang biktima na nag-iisang naglalakad papauwi.

Sinisilip ng pulisya ang motibong selos at kalaban sa fraternity ng biktima maliban sa napagtripan dahil sa lango sa droga ang suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments