^

Probinsiya

SULYAP BALITA

-
Estudyante pinatay sa dyip
GENERAL MARIANO ALVAREZ, Cavite – Sinumpak at napatay ang isang 15-anyos na high school student na pinaniniwalaang napagtripan ng isang lango sa drogang kabataan habang ang biktima ay nakasakay sa dyip kahapon ng madaling-araw sa Barangay Dos sa bayang ito.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Lu Anthony Bulaon ng Barangay Toledo, samantala, tinutugis ng pulisya ang suspek na si Raymond Patacsil ng nabanggit na barangay.

May teorya si PO1 Antonio Gutierrez na bago napaslang ang biktima bandang alas-2 ng madaling-araw ay napagtripan na ito ng suspek mula sa dinaluhang party kaya inabangang sumakay ng dyip at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Brgy. kagawad dedo sa rambol
BATO, Camarines Sur – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang barangay kagawad makaraang umawat sa nagrambulang magkalabang fraternity sa sayawan na sakop ng Barangay Mainit sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Maraming saksak ng patalim sa katawan ang biktimang si Jose De Lima, 40, may asawa, samantala, hindi naman matiyak ng pulisya at ilang kasamahang opisyal ng barangay ang mga suspek na responsable sa krimen dahil sa nagpanakbuhan sa iba’t ibang direksyon.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na kasalukuyang nagbabantay ang mga opisyal ng barangay kasama ang biktima sa ginanap na sayawan bandang alas-10:30 ng gabi ay biglang nagkagulo na nauwi sa rambulan ng mga kabataan at posibleng papanagutin ang magkalabang grupo sa pagkamatay ni De Lima. (Ulat ni Ed Casulla)
Katiwala sa farm nag-suicide
INFANTA, Quezon – Isang farm caretaker na pinaniniwalaang binigo sa pag-ibig ng nililiyag ang nagdesisyong magbaril sa sarili at namatay sa Barangay Boboin sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Nagbaril ng shotgun sa katawan ang biktimang nakilala lamang sa alyas na Richard, 20, tubong Polillo, Quezon at katiwala sa palayan na pag-aari ni Nolito Capili ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodolfo Patunog na bago magpakamatay ang biktima ay naikuwento sa mga kasamahan na binigo siya sa pag-ibig ng nililigawan.

Bandang alas-11 ng umaga ay namataan nina Capili at Eduardo Morilla ang biktima na matamlay na naglalakad at nagsabing siya ay magpapakamatay na inakala naman ng dalawa na nagbibiro lamang ngunit ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay umalingawngaw ang malakas na putok sa tinutuluyan ng katiwala. (Ul.at ni Tony Sandoval)
Trader ninakawan ng P2-M
SILANG, Cavite – Aabot sa P2-milyong ari-arian ang iniulat na ninakaw sa isang mayamang negosyante makaraang pasukin ng mga kilabot na Akyat Bahay Gang ang sariling bahay sa Barangay Cabangaan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Mario Floren, 37, isang real state broker ay iginapos kasama ng kanyang asawa at mga anak sa loob ng kanilang bahay bago pinagnakawan ng mga hindi kilalang kalalakihan.

Sa ulat ni SPO1 Zosimo Casabal, naitala ang krimen dakong alas-6:45 ng gabi matapos na biglang pasukin ang bahay ng pamilya Floren at ninakaw ang mga mamahaling alahas, cash money at kinarnap pa ang Mitsubishi Adventure (WLV-360) na ginamit bilang gateaway. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

AKYAT BAHAY GANG

ANTONIO GUTIERREZ

BARANGAY

BARANGAY BOBOIN

CENTER

CRISTINA GO-TIMBANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with