4 kawal tiklo sa shabu session
December 12, 2002 | 12:00am
ILIGAN CITY Apat na kawal mula sa Phil. Armys 524th Engineering Combat Battalion na nakabase sa Ma. Cristina, Balo-i, Lanao del Norte ang dinakip ng mga ahente ng Drug Enforcement Unit ng CIID makaraang maaktuhang nagsa-shabu session sa bakanteng bahay na sakop ng Barangay Saray sa lungsod na ito.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga sundalong sina Pfc. Joseph Neil Edago, 23; Pfc. Dante Micabalo, 25; Pfc. Jimmy Magtupo, 25 at Pfc Roy Hagtungan, 25, na pawang nasa custody ng kanilang kumander na si Capt. Rodelio Ventura.
Batay sa ulat ni P/Supt. Celso Regencia, hepe ng City Intelligence and Investigation Division (CIID), nakatangap sila ng tawag sa telepono mula sa kanilang asset bandang alas-2:30 ng madaling-araw na may nagsa-shabu session sa Purok Tres ng nabanggit na barangay.
Kaagad na sinalakay nina SPO1 Ruben Canunero at PO2 Rodney Diez ang naturang lugar at naaktuhan ang apat na kawal.
Narekober sa mga suspek ang dalawang maliit na sachet ng shabu walong pirasong aluminum foils na may shabu at apat pang rolyo ng foils na nakahandang gamitin. (Ulat ni Lino Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest