3 NPA todas sa engkuwentro
December 12, 2002 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Tatlong kasapi ng makakaliwang kilusang New Peoples Army (NPA) ang iniulat na napatay sa naganap na engkuwentro laban sa tropa ng militar sa Sitio Puri, Barangay Cristobal, Victoria, Oriental Mindoro kahapon ng umaga.
Ang mga bangkay ng rebelde ay dinala sa provincial police office upang beripikahin ang pagkakakilanlan dahil walang narekober na identification card maliban sa ginamit na baril na M-16 armalite, kalibre .45 at kalibre .32, radio scanner at dalawang handheld radios.
Sa nakarating na ulat kay Army Major Roy Kyamko, SOLCOM commander, naitala ang engkuwentro dakong alas-6:10 ng umaga habang nagsasagawa ang combat patrol at ang pinagsanib na puwersa ng 204th Infantry Brigade at Task Force Arrow Head ng 2nd Infantry Division ng Phil. Army.
Tumagal ng mahigit 30 minutong palitan ng putok ang magkabilang panig hanggang sa umatras ang mga rebelde makaraang matunugang nalagasan sila ng mga kasamahan.
Napag-alaman pa sa ulat na pinaigting pa ng militar ang operasyon laban sa mga rebelde makaraaang ipahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, spokesman ng CPP-NPA na hindi sila magpapatupad ng tigil-putukan sa Kapaskuhan.
Nagbanta rin ang mga rebelde na marami silang itutumbang opisyal ng kapulisan, militar at opisyal ng lokal na pamahalaan kabilang na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Ulat nina Tony Sandoval, Celine Tutor, Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended