Sabungero dinedo dahil sa pustahan
December 11, 2002 | 12:00am
ANTIPOLO CITY, Rizal Isang 42-anyos na sabungero ang iniulat na pinagsasaksak hanggang mapatay ng kapwa sabungero makaraang hindi makabayad ng malaking halaga ng pusta kamakalawa ng umaga sa Antipolo City, Rizal.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Amang Rodriguez Memorial Hospital si Roger dela Cruz, ng Zone 12, Barangay Mayamot sa lungsod na ito.
Samantala, tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Pepito Desulog, 43, magsasapatos at sabungero, may asawa ng nabanggit ding barangay.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Danilo Buenaflor, naitala ang krimen dakong alas-9:30 ng umaga makaraang magkatuwaan ang dalawa na pagsabungin ang kanilang alagang manok na nagkapustahan ng P5,000.
Dito na duguang bumulagta ang sasabunging manok ng biktima at nang sinisingil na ng suspek ang malaking halaga ng pustahan ay tumanggi si Dela Cruz at nagsabing nagbibiro lamang ito.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, nairita na ang suspek at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa undayan ng saksak ang biktima hanggang sa mapatay. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended