10 Sayyaf tumakas patungong Malaysia
December 8, 2002 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY - Pinaniniwalaang nakatakas na patungong Malaysia ang sampung kasapi ng Abu Sayyaf sakay ng ninakaw na speedboat, ayon sa intelligence report kahapon.
Ang sampung teroristang Sayyaf na iniuugnay ng Estados Unidos at mga bansang Europa sa al-Qaeda terror network ay nakapuslit sa mahigpit na cordon ng militar mula sa bayan ng Patikul, Jolo.
Ayon sa ulat, ang sampung Sayyaf na responsable sa pagdukot sa 21 katao sa dive resorts sa Sabah may dalawang taon na ang nakalilipas ay pumalaot patungong Sabah.
Nakaalerto naman ang mga awtoridad sa Malaysia upang mapadali ang pagdakip sa sampung Sayyaf na napaulat na lumabas ng bansa. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest