Bombay patay sa magnanakaw

NAIC CAVITE – Tadtad ng saksak ang buong katawan ng negosyanteng Bombay makaraan itong pagsasaksakin at pagnakawan habang sakay ng motorsiklo ng di kilalang suspek.

Ang biktimang agad na namatay sanhi ng multiple stabwounds ay si Dalbir Singh, 40-anyos, Indian national at residente ng Estelita St. Brgy. Bagbag 1 Greenfield Subd. Rosario Cavite.

Sa ibinigay na report ni PO1 Rachelle Sierra, ganap na ala-1:30 ng hapon nang maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklong may plakang VE-3923.

Nang madako umano sa madilim na bahagi ng Gov. Drive ay sinorpresa ito ng sunud-sunod na saksak nang suspek.

Nabatid na nagawa pang manlaban ng biktima sa kanyang salarin pero na out-balance ito dahil sakay ng motorsiklo.

Narekober mula sa pinangyarihan ang motorsiklo ng biktima gayundin ang ilang personal na pag-aari nito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments