4 todas sa ulam na diningding
December 7, 2002 | 12:00am
Tatlong miyembro ng isang pamilya at isa nilang kapitbahay ang nasawi matapos na malason sa ulam na diningding na sinahugan ng seaweeds, kamakalawa ng gabi sa lalawigan ng La Union.
Nakilala ang mga nasawi na sina Benjamin Valdez Sr., 67; mga anak niyang sina Benjamin Jr., 28; Arnel, 31 at kapitbahay na si Joel Madeg, 21, pawang mga residente ng Brgy. Cabuaan, Balaoan ng naturang lalawigan.
Nilalapatan naman ng lunas sa Ilocos Regional Training and Medical Center ang mga nalasong kapamilya na sina Edwin Valdez, Leticia at Marcelina.
Sa ulat ng Office of Civil Defense, naganap ang insidente dakong alas-7 kamakalawa ng gabi sa loob ng tahanan ng mga Valdez.
Masayang naghahapunan ang pamilya Valdez kung saan nakikain si Madeg na barkada ng isa sa binata. Inulam umano ng mga ito ang tinatawag na diningding na hinaluan ng seaweeds.
Dito halos sabay-sabay na sumakit ang tiyan ng mga biktima, nagsuka, kasabay ng pagsakit ng ulo at dibdib.
Naisugod ang mga ito sa pagamutan ngunit minalas na nasawi ang apat dahil sa pagkalason. Lumalabas sa pagsisiyasat na apektado umano ng lason na toxins ang naturang nakain na seaweeds. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest