8 drug pushers kinasuhan
December 6, 2002 | 12:00am
OLONGAPO CITY Walong kilabot na drug pushers na inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Region 3 sa Bataan, Zambales at Olongapo City sa isinagawang buy-bust ang kinasuhan.
Kinilala ni P/Sr. Insp. Joseph Liman ang mga suspek na drug pusher na sina Jessie Tolentino, 35; Adoracion Bautista, 42, trader ng Brgy. New Cabalan; Rodel Tan, 32, ng Brgy. Iwas, Subic, Zambales; Merced Itallanos, 48, ng Brgy. New Kalalake; Nestor Ludy, 49, ng Brgy. Sta. Rita; Roger Datuon, Alfredo Marzan ng Brgy. Sumalo, Hermosa, Bataan at Myrna Lesada ng Antipolo City, Rizal.
Sina Tolentino at Bautista ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni RTC Branch 72 Judge Eliodoro Ubiadas.
Nakumpiska mula sa mag-live-in ang 40 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia.
Samantala, nakumpiskahan ng 2 sachets ng shabu at 200 marked money sina Itallanos at Ludy sa isinagawang buy-bust operations.
Gayundin, sina Datoun at Marzan ay dinakip habang nagbebenta ng shabu sa pulis na nagpanggap na poseur buyer sa Brgy. Kalalake at narekober ang P100 marked money.
Ayon pa sa ulat, si Lesada naman ay maaktuhang nagbebenta ng shabu sa bus terminal. (Ulat nina Jeff Tombado at Bebot Sison Jr)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest