Nakapagpaputok pa ang biktimang si SPO3 Efren Villarta na nakatalaga sa Calintaan police station at residente ng Barangay Poblacion, samantala, ang mga rebelde na sakay ng traysikel ay mabilis na tumakas at inabandona sa Sitio Marumpungin.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-4 ng hapon habang ang biktima ay nasa harap ng kanyang vulcanizing shop.
Dito na pumarada ang traysikel ng mga rebelde at ibinababa ang sirang gulong upang magkunwaring ipagagawa.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, naispatan ng biktima na may nakasukbit na baril sa beywang ng mga suspek kaya nagmamadaling pumasok sa loob ng shop para kunin ang baril.
Paglabas ng biktima mula sa loob ng shop ay sinalubong na ng sunud-sunod na putok mula sa mga rebelde ngunit nakaganti pa ng putok ang pulis kahit na may tama ng bala ng baril sa katawan.
Kaagad na isinugod sa Rizal District Hospital ang duguang pulis ngunit walang mga doktor kaya napilitang ilipat sa West Mindoro Hospital at dito na idineklarang patay ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)