P1-M natangay sa bangko

Umaabot sa P1-milyon ang nadugas sa isang sangay ng bangko ng walong hindi kilalang armadong kalalakihan kamakalawa sa kahabaan ng MJ Cuenco Avenue, Cebu City.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pinasok ng mga armadong holdaper ang Metro Bank (Mabolo branch) at nagdeklara ng holdap saka tinangay ang malaking halaga kabilang na ang gamit ng mga kliyente na kasalukuyang nagsasagawa ng transaksyon.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang pangyayari bago nagsitakas ang mga holdaper ngunit narekober ng pulisya ang get-away vehicle na sinakyang Ford Sedan na kulay asul (PDY-326) sa Brgy. Kasambaan, Mabolo na pinalalagay na kinarnap. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments