^

Probinsiya

Presidente ng asosasyon itinumba

-
Dead-on-the-spot ang pangulo ng Homeowners Association matapos na pagbabarilin ng tatlong armadong kabataang lalaki na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Taytay, Rizal.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario Santos, 41, residente ng Brgy. San Juan ng nasabing munisipalidad at pangulo ng Samahang Makaisa Maralita.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Dario Miranda, naganap ang insidente sa Sitio Namahay, Brgy. San Juan, bandang alas-8 ng umaga.

Napag-alaman na kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima kay Artemio Hapon nang bigla na lamang paligiran ng mga rebelde na nagmamatyag di-kalayuan sa kinaroroonan ng dalawa.

Bigla na lamang pinagbabaril ng rebelde ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.

"Walang makikialam sa inyo," pahayag ng mga rebelde matapos magpakilalang miyembro ng kilusang komunista na aktibong kumikilos sa lalawigan ng Rizal.

Bago tuluyang lumisan ay nag-iwan pa ng subersibong dokumento ang mga NPA na mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

ARTEMIO HAPON

BRGY

DARIO MIRANDA

HOMEOWNERS ASSOCIATION

JOY CANTOS

MARIO SANTOS

NEW PEOPLE

RIZAL

SAMAHANG MAKAISA MARALITA

SAN JUAN

SITIO NAMAHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with