^

Probinsiya

18 silid-aralan naabo

-
CITY OF MALOLOS, Bulacan – Tinatayang aabot sa halagang P1-milyong ari-arian kabilang na ang labing walong silid-aralan ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa Barangay Sta. Isabel sa lungsod na ito kahapon.

Base sa ulat ng pulisya, nagsimula ang apoy sa kisame ng ikalawang palapag mula sa isa sa labinlimang gusali ng Marcelo H. Del Pilar High School.

Tumagal ang sunog ng 15 minuto na nagsimula dakong alas-4:45 ng hapon at walang iniulat na nasawi o nasugatan dahil sa nagsilabasan na ang mga estudyante.

Napag-alaman pa na mabilis na kumalat ang apoy sa dalawang palapag at naabo ang lahat ng gamit sa 18 silid-aralan subalit hindi nadamay ang kalapit na gusali ng naturang eskuwelahan dahil na rin sa mabilis na pagtugon ng mga miyembro ng pamatay-sunog.

May palagay ang mga imbestigador na nagdikit ang lumang talop na linya ng kuryente sa kisame kaya nagsimulang kumalat ang apoy. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

APOY

BARANGAY STA

BULACAN

DEL PILAR HIGH SCHOOL

EFREN ALCANTARA

MARCELO H

NAPAG

TINATAYANG

TUMAGAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with