2 NPA patay, 8 nadakip ng militar
November 29, 2002 | 12:00am
SAN QUINTIN, Pangasinan Dalawang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na nasawi, samantala, walong iba pa ang nasakote kabilang na ang dalawang lider makaraan ang sagupaan sa Sitio Bularit na sakop ng Brgy. Bulintaguen, Lischoco sa bayang ito kahapon ng umaga.
Sinabi ni Col. Jovenal Narcise, commander ng 702nd Infantry Brigade ng Phil. Army, ang dalawang napatay ay nakilala lamang sa alyas na Ka Nestor at Ka Larry na kabilang sa dalawampung rebelde na tumakas matapos na matunugang may dumarating na back-up na tropa ng militar.
Narekober naman ang siyam na malalakas na kalibre ng baril, samantala, nasa custody ng militar at pulisya ang mga nadakip na NPA na sina Benjamin Ganegan, alyas Ka Tomas, lider ng Sandatahang Yunit Propaganda sa Pangasinan; Levy Valdez, alyas Ka Ador, kanang-kamay ni Ganegan; Rommel Tucay ng San Jacinto; Marvin Esteban ng Nueva Ecija; Dino Bernardo ng Tondo, Manila; Mar Almotte ng Lupao, Nueva Ecija; Marlo Cabado ng Talogtog, Nueva Ecija at Diosdado Farinas ng Dupax, Nueva Vizcaya.
Napag-alaman kay P/Sr. Supt. Leopoldo Bataoil na nakatanggap sila ng impormasyon na may mga rebeldeng nangongolekta ng revolutionary tax mula sa mga magsasakang nag-aani ng palay.
Kaagad namang dinispatsa ang pinagsanib na puwersa ng 48th, 702nd IB at 107th Pangasinan Police Mobile Group upang beripikahin ang presensya ng mga rebelde.
Bandang alas-6 ng umaga nang magkaputukan ang magkabilang panig hanggang magsiatras ang ibang rebelde at ikinasawi ng dalawa saka nadakip ang walong iba pa. (Ulat nina Myds Supnad, Ding Cervantes at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am