Hepe pinasayaw sa bala ng tauhan
November 25, 2002 | 12:00am
Posibleng masibak sa tungkulin at maharap sa kasong kriminal ang isang pulis matapos nitong pasayawin sa bala ng kanyang armalite ang kanyang hepe na umawat sa ginagawa pamamaril noong Biyernes ng gabi sa Bongabong, Mindoro Oriental.
Sumuko ang suspek na si PO3 Noel Morong matapos muntik nitong mapatay ang kanyang hepe na si Police Sr/Insp.Ramon Golas ng Bongabong Police Station.
Nahaharap sa kasong attempted homicide at indiscrimanate firing.Nahaharap rin ito sa kasong administratibo ang kanyang tatlong kasamahan na sina PO1 Renelan Savalvaro,PO1 Richard Faildo at PO1 Jayson Escuterio.
Sa ulat,nabatid na nagtungo sa kanilang istasyon ang apat na pulis na umano ay pawang mga lasing sa alak at nagpaulan ng bala sa ere si Morong sanhi upang lumabas si Golas.
Pinilit na disarmahan ni Golas ang kanyang tauhan ngunit pumalag sina Faildo at Savalvaro.Nang makita ito ni Morong dito ay kanyang tinutukan at pinaputukan ng M-16 si Golas na agad namang nakatakbo at nakapagtago sa istasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest