^

Probinsiya

5 rebeldeng NPA dedo sa PA

-
Limang hindi pa nakikilalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa panibagong sagupaan sa pagitan ng mga militar kamakalawa ng hapon sa Saranggani Province at Agusan del Sur.

Sa ulat ng Philippine Army, unang naganap ang engkuwentro dakong alas-12:30 ng hapon sa may Sitio Pammalo, Brgy. Mudan, Glan, Saranggani. Nagsasagawa ng patrulya ang mga tauhan ng 11th Special Forces Company ng Army nang mamataan ang mga rebelde.

Tumagal ng halos dalawang oras ang sagupaan nang may 40 rebelde na pinamumunuan ng isang Ka Caloy ng Front 71 ng NPA.

Tumakas ang mga rebelde matapos na tatlo sa mga ito ang masawi at maubusan ng mga bala kung saan hinihinalang marami pa ito ang nasugatan.

Sumunod na nakasagupa ng 2nd Division ng 402nd Brigade ng Philippine Army ang may 30 rebelde sa may Sitio Simuntana, Brgy. Labuan, Esperanza, Agusan del Sur.

Dalawa naman sa mga rebelde ang napuruhan sa naturang bakbakan hanggang sa umatras na rin ang mga ito. Narekober sa naturang lugar ang iba’t ibang armas ng mga rebelde at mga subersibong dokumento.(Ulat ni Danilo Garcia)

AGUSAN

BRGY

DANILO GARCIA

KA CALOY

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

SARANGGANI PROVINCE

SITIO PAMMALO

SITIO SIMUNTANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with