^

Probinsiya

Mag-ama itinumba ng NPA

-
BACOLOD CITY – Sa pag-aakalang asset ng militar na nagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad ay binistay ng bala ng malakas na kalibre ng baril ang mag-ama ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na ikinasugat din ng malubha ng isa pang anak at asawa sa Sitio Santos-Santos, Brgy. Quintin Remo, Moises Padilla sa lungsod na ito kamakalawa.

Walang buhay na bumulagta sina Edgar Intervension, 52 at anak na si Leo, 23, samantala, isa pang anak ni Edgar na si Juan ay tinamaan sa leeg at kanang balikat.

Malubha namang nasugatan ang asawang si Lilia makaraang matapakan ang itak na hawak ni Edgar.

Sinabi ni P/Chief Insp. Regidor Alvarado, hepe ng naturang bayan na muling hinihikayat ng mga rebelde na bumalik sa makakaliwang kilusan si Edgar ngunit patuloy na tumanggi ang biktima at inakalang asset na ng militar kaya pinatahimik.

Kinondena naman ni Governor Joseph Marañon ang malagim na trahedya sa pamilya Intervension at nanawagan sa mga rebelde na makiisa sa isinusulong na kapayapaan ng gobyerno.

Base sa record ng militar, ang mag-ama ay naitalang ika-siyam na sibilyan sa bayan ng Ilog Negros Occidental at Guihulngan, Negros Oriental ang napapatay ng mga rebelde simula pa noong Abril 2002. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)

vuukle comment

ANTONIETA B

CHIEF INSP

EDGAR INTERVENSION

GOVERNOR JOSEPH MARA

ILOG NEGROS OCCIDENTAL

MOISES PADILLA

NEGROS ORIENTAL

NEW PEOPLE

QUINTIN REMO

REGIDOR ALVARADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with