^

Probinsiya

2 paslit dedo sa salpok ng dyip

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Dalawang paslit ang kumpirmadong nasawi, samantala, isa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang salpukin ng owner-type jeep habang ang mga biktima ay naglalaro sa gitna ng kalsada na sakop ng Barangay Abangan Sur, Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kaagad na namatay sa pinangyarihan ng aksidente sina Ivan Pantaleon, 4 at pinsan nitong si Gil Pantaleon, 5; samantala, ang utol na batang babae na si Christine Joy, tatlong taong gulang ay inoobserbahan sa ospital.

Nakakulong naman sa himpilan ng Marilao police station ang driver na si Marlon Pinoy, 19, binata ng 114 MacArthur Highway sa bayang ito.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang trahedya dakong alas-tres ng hapon habang naglalaro ang magpipinsan sa gitna ng nabanggit na kalsada.

Hindi na nakontrol ng driver ang manibela ng dyip (CRS-669) kaya nasagasaan ang mga biktima.

May teorya ang pulisya na masyadong mabilis ang pagpapatakbo ni Pinoy sa kanyang minamanehong dyip kaya hindi na naiwasan ang mga biktima bago pa sumalpok sa nakaparadang sasakyan. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY ABANGAN SUR

BULACAN

CHRISTINE JOY

DALAWANG

EFREN ALCANTARA

GIL PANTALEON

IVAN PANTALEON

KAAGAD

MARILAO

MARLON PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with