Dalawang tama ng bala ng kalibre. 45 baril sa ulo ang tumapos sa biktimang si Rolando Villanueva, may asawa ng nabanggit na barangay.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang pananambang dakong alas-6 ng gabi may sampung oras pa lamang matapos tambangan si Antonio "Ato" Latina sa Brgy. Lagundi, Plaridel, Bulacan.
May teorya ang pulisya na onsehan sa droga ang motibo ng krimen dahil sa pawang mga kilalang drug pushers ang mga biktima at nakalista sa talaan ng pulisya na may kaugnayan sa droga. (Ulat ni Efren Alcantara)